Mga Best Practice sa Content · Stories
May iba't ibang dahilan na kasama sa kung paano nagpe-perform ang content mo at ang dami ng mga Snapchatter na naaabot nito araw-araw. Para madagdagan ang engagement mo sa Story mo at tulungan itong maabot ang marami pang Snapchatter, hinihikayat ka naming gamitin ang pinakamahuhusay na kasanayan na ito.
Magsimula nang may impact
Simulan ang story mo araw-araw gamit ang may impact at nakakahimok na hook na makakuha ng interes ng audience mo. Pupunta ka man sa isang music festival o magkakaroon ng tahimik na araw sa bahay—ihanda ang stage sa kung ano ang maaaring asahan ng audience mo.
Gumawa ng storyline
Magkaroon ng magandang storyline na humihikayat sa mga Snapchatter na manatili hanggang sa huli. Asahan ang mas mahahabang Story na may malinaw na kuwento na may mga stake, character, at simula, gitna at wakas.
Gumamit ng mga caption
Makuha ang pansin ng viewer na naka-off ang sound sa pamamagitan ng paggamit ng mga caption sa kabuuan ng Story mo para magbigay ng mahalagang konteksto. Makakatulong din ito na mapataas ang pananatili ng audience.
Isama ang mga reply sa story
Bumuo ng komunidad at talakayan sa audience mo sa pamamagitan ng pagsasama ng mga reply sa Story sa Mga Story mo. Isang mahusay na paraan ang paggamit ng mga naka-quote na reply sa Story para gawing mas interactive ang mga Story mo. Gusto rin ng mga Snapchatter na makita ang kanilang mga sarili sa Mga Story mo!
Panatilihing sumusunod sa guideline
Tiyakin na nagpo-post ka ng tile na sumusunod sa guideline na nagbibigay ng konteksto kung ano ang aasahan sa Story mo. Mahalaga na hindi nakakapanlinlang ang tile mo at tumpak na kumakatawan ito sa kung ano ang maaasahan ng mga Snapchatter kapag nag-tap sila sa story mo.