Alamin kung paano kumita ng pera sa Snapchat

Programa para sa Snapchat Revenue Share
Creator ka bang patuloy na nagbabahagi ng mga story sa Snapchat? Kung gayon, binibigyan ng reward ng aming programa ang mga established Creator para sa content na kanilang ipino-post sa kanilang Story—ito ang aming paraan para pasalamatan ang iyong pag-i-invest sa komunidad ng Snapchat. Alamin kung paano maging kuwalipikado at matuto pa tungkol sa aming Terms para sa Snapchat Creator Stories.

Paid Partnership na Label
Kung gusto mong mag-post ng naka-sponsor na content, maaari kang magdagdag ng label na "Paid Partnership" sa iyong Mga Pampublikong Snap mula sa screen na Ipadala Sa.
Ang mga Snap Star ay maaring gumawa ng higit pa, at mag-tag ng Brand kapag nagpo-post ng kanilang sariling Spotlight, Snap Map, at Public Story na mga Snap. Narito kung paano magdagdag ng "Paid Partnership" na label sa iyong naka-sponsor na content.

Mga Brand Partnership Toggle
Madalas na gumagamit ang mga negosyo ng mga third party na ka-partner para sa pagtuklas ng mga creator sa Snapchat Mag-opt in para ibahagi ang analytics ng Pampublikong Profile mo sa mga third party na ka-partner ng Snap sa pamamagitan ng ‘ Mga Brand Partnership toggle’ – mahalaga ang impormasyong ito para sa mga negosyo para magpasya kung sinong Creator ang pinakamahusay para magtrabaho para sa kanilang brand.
Tingnan ang mga setting ng iyong Pampublikong Profile at i-toggle ang ‘Mga Brand Partnership’ para mag-opt in sa pampublikong pagbabahagi ng mga insight mo sa mga third party na ka-partner na naka-focus sa pagtuklas ng Creator para sa mga Brand Partnership.
Tandaan na available lang ito ngayon sa mga Snap Star.