Bakit Mayroon Kaming Mga Alituntunin sa Content
Ang mga Snapchatter ay pumupunta sa aming app para makipag-usap sa kanilang mga kaibigan, para maaliw, at matuto sa mundo. Sa katunayan, mayroon ang Snapchat ng mahigit 375 milyong gumagamit araw-araw at umaabot sa 90% ng 13-24 na mga taong gulang at 75% ng 13 hanggang 34-taong gulang sa mahigit na 20 mga bansa.
Iyan ay napakaraming mga kabataan.
Sa Snap, ang aming tunguhin ay gumawa ng pinakamabuting posibleng karanasan para sa aming komunidad. Nais namin silang bigyan ang nakakalibang, nakapagbibigay impormasyon, at magkakaibang talaan ng nilalaman at siguruhing ligtas sila sa aming platform. Dito pumapasok ang mga Content Guideline.
Ang aming tunguhin ay simple: Gusto naming ang Snapchat ay ligtas at kapakipakinabang na karanasan — lalu na para sa aming mga pinakabatang gumagamit. Kailangan namin ang iyong tulong para magawa iyon.