Magsimula na tayo!

Mayroon kami ng lahat ng kailangan mong malaman para sa Snap bilang isang pro.

Snapchat image that represents the basics

Gumawa ng Snapchat account

Matuto kung paano i-download ang Snapchat app at gumawa ng username sa Snapchat. Pagkatapos mong gawin ang account mo, tingnan ang video na ito para matutunan ang mahahalagang bahagi ng Snapchat.


Mahalaga sa amin ang kaligtasan ng account mo. I-review ang mga tip na ito kung paano safe na manatili sa Snapchat, at kung paano i-enable ang two-factor authentication.

Buuin ang Pampublikong Profile Mo

Binibigyan ka ng Pampublikong Profile ng permanenteng tahanan sa Snapchat kung saan maaari kang matuklasan sa publiko, ipakita ang iyong pagkamalikhain, at palaguin ang iyong audience.

Para ma-access ang Pampublikong Profile mo, i-tap lang ang Bitmoji mo sa kaliwang sulok sa itaas ng screen at piliin ang "Aking Pampublikong Profile." Tiyaking magsama ng larawan sa profile, larawan sa background, bio at lokasyon.

Huwag kalimutan na idagdag ang username ng iyong Snapchat account at/o URL sa iyong ibang social channel para matulungan ang fans mo na mahanap ka

Snap UI image of a creator getting ready to post

Handa ka na para mag-post!

Napakaraming paraan para ibahagi ang iyong content sa Snapchat, ito man ay sa isang kaibigan, isang piling grupo, o sa mas malawak na komunidad ng Snapchat. Ang lahat ng content na ibinahagi sa Snapchat ay dapat sumunod sa mga Snapchat Community Guidelines at sa mga Content Guidelines.

Snap UI image showing how to post to your friends story

Story Ko · Friends

Makikita lang ng mga Snapchatter na nasa friends mo (mga taong in-add ka rin bilang friend) ang mga Snap na na-post sa Story Ko · Friends mo. Makikita ng friends mo ang Story mo nang walang limitasyon sa loob ng 24 na oras. Matuto pa kung paano mag-post sa story mo.

Snap UI image showing how to post to your public story

Story Ko · Pampubliko

Ang pampublikong Story Ko ay kung paano ka mag-share ng content sa iyong mga tagasubaybay at sa mas malawak na komunidad ng Snapchat. Makikita ng mga tagasubaybay mo ang mga Story na naka-post sa iyong Story Ko · Pampubliko sa 'Following' na seksyon ng mga Story na page. Makikita rin ng sinumang tumitingin sa iyong profile ang iyong mga aktibong pampublikong Story. 

Kung isa kang creator na nakabuo ng malawak na audience sa Snap, maaaring irekomenda ang iyong mga pampublikong Story sa Komunidad sa Discover. 

Makikita bilang isang opsyon sa pag-post ang iyong pampublikong Story Ko na pinamagatang Story Ko · Pampubliko sa ‘Ipadala Sa’ na screen.

Spotlight

Isang magandang paraan ang Spotlight para sa mga creator na magkaroon ng exposure sa mas malawak na komunidad ng Snapchat.

Ipinapakita nito ang mga pinakanakakaaliw na Snap, kahit sino ang gumawa sa mga ito o kung gaano karaming tagasubaybay ang mayroon ka.  

Matuto pa kung paano magsumite ng spotlight

Maaari mo ring tingnan at i-upload ang content ng Spotlight sa web! Pumunta sa www.snapchat.com/spotlightpara tingnan ito.

UI image of Snap Map

Snap Map

Isang mapang ginawa para sa iyo, sa mga kaibigan mo, at sa pagtuklas sa mundong nakapaligid sa iyo. Bilang creator, puwede mong i-expand ang reach mo sa pamamagitan ng pag-tag ng mga lokasyon sa mga Snap at Spotlight video mo.  Mag-swipe pakanan nang dalawang beses mula sa screen ng Camera para buksan ang Snap Map.

Kung mayroon kang Pampublikong Profile, puwede mong piliing isumite ang mga Snap sa Snap Map nang hindi nagpapakilala o kasama ang iyong pangalan. Matuto pa kung paano magsumite sa Snap Map.

Snapchat image that represents a Snap Star profile

Maging Snap Star

Mga public figure o creator ang mga Snap Star na nagdadala ng ilan sa pinakamagaganda at pinakanakakaaliw na content sa Snapchat. Sa pamamagitan ng kanilang natatanging pananaw, binibigyan ng mga Snap Star ang kanilang mga audience ng walang katulad na access sa kanilang buhay at mga interes. 

Kwalipikado ang mga Snap Star na maitampok ang kanilang content sa Snapchat. Matuto pa kung paano mag-apply para maging Snap Star.

Create on Snapchat