Spotlight 101
Ma-inspire at i-share ang creativity mo.
Ano ang Spotlight?
Ang Spotlight ay ang aming entertainment platform para sa content na ginawa ng user. Mahusay na paraan ito para makakuha ng exposure ang mga Creator sa mas malawak na Snapchat community. Nagtatampok ang Spotlight ng de-kalidad na content mula sa malilikhaing tao tulad mo, nang hindi isnasaalang-alang kung gaano karami ang mga follower mo. 
Sinusuportahan ng Spotlight ang mga video mula sa camera roll mo, pero itinatampok nito ang mga Snap na ginawa gamit ang Snapchat Camera.
Gumawa ng mga video, pagkatapos ay i-edit ang mga ito gamit ang mga tool tulad ng:
  • Mga caption
  • Lisensyadong musika
  • Mga orihinal na sound recording
  • Lenses
  • Mga GIF
Naglalaan ang Snap ng milyon-milyon kada buwan sa mga Creator na napipili bilang mga nangungunang Snap sa Spotlight, kaya maging malikhain at makakuha ng reward!
Pinakamahuhusay na Kagawian sa Pag-submit
  • Ang mga Snap ay dapat mga patayong video na may sound, na may tagal na hanggang 60 segundo 
  • Dapat ay sakop ng video ang buong frame (walang letterboxing)
  • Hindi lalabas sa Spotlight ang mga still-image na photo at mga pahalang, malabo, o text lang na Snap 
  • Mag-upload ng orihinal na content—ifi-filter out ng Spotlight ang mga may watermark na video mula sa iba pang app
Mag-add ng #Topics sa mga Snap mo
Nakakatulong ang #Topics sa iba pang Snapchatter na mahanap at ma-share ang content mo at makapag-explore pa ng mga Snap na gaya ng iyo. Kapag na-tap mo ang #Topic sa kaliwang sulok sa ibaba ng Spotlight video, makikita mo ang lahat ng video na gumagamit nito. 
Para mag-add ng #Topic sa video mo, i-record muna ang Snap mo, pagkatapos ay i-tap ang ‘I-share sa Spotlight’ at mag-add ng paglalarawan o #Topic sa screen na ‘I-send Kay’. Kapag gumamit ka ng hashtag, lalabas ang kasalukuyang #Topics habang nagta-type ka, o puwede ka ring gumawa ng sarili mong #Topics.
 
Tingnan kung Ano'ng Trending
Makakuha ng insights tungkol sa mga pinakabagong trend sa Spotlight. I-tap ang icon na Pataas na arrow sa kanang sulok sa itaas ng screen ng Spotlight para masilip ang lahat ng trending na #Topics, Lenses, at Sounds.