Basics ng Snapchat

Ano ang Snapchat?

Ang Snapchat ay isang camera app na ginawa para sa tunay na friends. Isa itong platform para sa pagpapahayag ng sarili mo sa pamamagitan ng augmented reality, pag-e-enjoy kasama ang friends at pamilya mo, at pagpapamalas ng pagkamalikhain mo sa mundo. 

  • Ang Snapchat ay mayroong mahigit 293 milyong araw-araw na aktibong user sa buong mundo—naaabot ng Snapchat ang 90% ng mga may edad 13-24 na taong gulang at ang 75% ng mga may edad 13-34 taong gulang sa U.S., U.K., France, Australia, at Netherlands.

  • Mahigit 200 milyon ang average na bilang ng mga Snapchatter na gumagamit ng augmented reality araw-araw.

  • Gawing kapansin-pansin ang content mo sa pamamagitan ng pag-a-add ng AR Lenses, Filters, at iba pang creative tool sa mga video at picture mo

  • Nagbibigay ang aming website ng inspirasyon, mga tip at trick, at mga how-to para sa pagtataguyod ng career mo bilang isang Snapchat Creator

Body Image
Paggawa ng Account

I-download at buksan ang Snapchat app at mag-sign up gamit ang isang phone number o email address. Sundin ang ilang maikling prompt, at handa ka na.

Pro Tip: Pumili ng username na gagawing madali para sa mga Snapchatter na mahanap ka. Kapag inilalagay ang pangalan mo, pumili ng display name na madaling makilala.

Seguridad ng Account

Ang kaligtasan ng aming Snapchat community ang pinakamahalaga. Default na private ang aming mga feature. Pinipili ng mga Snapchatter kung ano ang impormasyon na gusto nilang i-share, at kung kanino nila gustong mag-share. 

Pigilan ang hindi awtorisadong pag-access sa pamamagitan ng pag-set up ng mga karagdagang panseguridad na feature gaya ng two-factor authentication. I-enable ang two-factor authentication sa Profile mo sa ilalim ng ‘Settings.’