Mga Tool ng Camera
Gamitin ang mga tool na ito para baguhin kung paano ka mag-capture ng mga photo at video.
Pagtuklas sa Lenses
Mayroon kaming napakalaking library ng Lenses na magagamit ng mga Creator. I-explore ang Lenses mula sa screen ng Camera kapag nabuksan mo na ang app. I-tap lang ang icon na smiley face sa kanan ng button sa pag-capture para makita ang paborito mong Lenses, pati na rin kung ano ang trending. 
I-tap ang ‘I-explore’ sa kanang sulok sa ibaba para mag-view ng inirerekomenda, trending, at may temang Lenses na ginawa ng Snapchat at ng community.
Gusto mo bang malaman kung paano ka makakagawa ng Lens? Bisitahin ang Lens Studio
Hands-Free na Recording
Tingnan mo, no hands! Mag-record ng hanggang anim na video, na may sampung segundong haba ang bawat isa, para sa kabuuang 60 segundo. 
I-hold ang button sa pag-capture sa ibaba ng screen para magsimulang i-record ang video mo. May lalabas na icon ng lock sa tabi ng button. Para mag-hands free, mag-slide pakaliwa at i-lock. Pagkatapos ay mag-record ka na! 
Oo nga pala, gumagana rin ito sa selfie mode. 
Camera Toolkit
Gamitin ang mga tool sa kanang bahagi ng Camera screen para mapaganda ang mga Snap mo. 
Timeline. Pagdugtung-dugtungin ang maraming eksena sa iisang video.
Sounds. Pumili mula sa isang playlist o pumili ng inirerekomendang kanta mula sa aming library ng lisensyadong musika o gumawa ng sa'yo.
Multi Snap. Itakda ang haba ng recording mo. Gamitin ang hands-free mode sa pamamagitan ng pag-hold sa button na i-capture at pag-slide pakaliwa para mag-lock. 
Timer. Magsimula ng countdown para makapag-pose ka.
Mag-focus. Mag-focus sa isang mukha nang may depth-of-field na effect.
3D. Mag-add ng mga 3D effect sa selfie mo. Igalaw ang phone mo para baguhin ang perspective.
Grid. Isaayos ang mga shot mo para magawa mong mag-focus, mag-snap, at mag-send.
Timeline Capture
Ito ang isa sa aming mga pinakasikat na feature sa Camera Toolkit. Mag-record ng maraming clip, at i-trim at pagdugtung-dugtungin ang mga ito, at mag-add ng mga timed caption sa video mo. Puwede ka ring mag-add ng Sounds.