Snap Creators

Mga Alituntunin sa Content

Bakit Mayroon Kaming Mga Alituntunin sa Content

Ang mga Snapchatter ay pumupunta sa aming app para makipag-usap sa kanilang mga kaibigan, para maaliw, at matuto sa mundo. Sa katunayan, mayroon ang Snapchat ng mahigit 363 milyong gumagamit araw-araw at umaabot sa 90% ng 13-24 na mga taong gulang at 75% ng 13 hanggang 34-taong gulang sa mahigit na 20 mga bansa.
Iyan ay napakaraming mga kabataan.
Sa Snap, ang aming tunguhin ay gumawa ng pinakamabuting posibleng karanasan para sa aming komunidad. Nais namin silang bigyan ang nakakalibang, nakapagbibigay impormasyon, at magkakaibang talaan ng nilalaman at siguruhing ligtas sila sa aming platform. Dito pumapasok ang mga Content Guideline.
Ang aming tunguhin ay simple: Gusto naming ang Snapchat ay ligtas at kapakipakinabang na karanasan — lalu na para sa aming mga pinakabatang gumagamit. Kailangan namin ang iyong tulong para magawa iyon.

Ano ang kahulugan nito para sa iyo

Dinisenyo namin ang aming mga guidelines para tumulong sa amin na makamit ang aming tunguhin para sa Snapchat at maingatan ang Mga Snapchatter mula sa hindi kanais-nais at hindi angkop na content. Hindi alintana ang kahit anong uri ng content ang nilikha mo para sa plataporma, hinahanap namin ang pantay at pare-parehong patakaran para sa lahat.
Ang iyong partnership ay isang bagay na pinahahalagahan namin. Kapag ikaw ay sumusunod sa mga alituntunin, marami sa iyong content ay maaaring i-monetize at ipakita iyong mga manonood. Lahat ay panalo.

Mga Karaniwang Paglabag at Paano Maiiwasan ang mga Ito