Mga Lugar Ko sa Snap Map, Isang Bagong Paraan para Makahanap ng Mga Naka-personalize na Rekomendasyon

Ginawa ng Team Snap

noong Wednesday, 28 July 2021 15:00

Ngayon, may ipinapakilala kaming bagong paraan para ma-explore ng mga Snapchatter ang mundo gamit ang Snap Map. 
Sa pamamagitan ng My Places, magagawa ng mga Snapchatter na mag-discover ng mahigit 30 milyong negosyo, mag-log ng kanilang paboritong lokal na lugar, at maghanap ng mga naka-personalize na rekomendasyon mula sa friends nila at sa global na Snapchat community. 
Ngayon, hindi lang makakatulong sa Snapchatters ang mabilisang pag-hover sa Snap Map para makaugnay sa mga taong mahalaga sa kanila at makasunod sa mga global na event, mas marami rin itong iniaalok na paraan para matulungang mag-connect ang friends IRL.
At, sa pagdating ng Layers sa Snap Map mula sa The Infatuation at Ticketmaster sa huling bahagi ng taong ito, walang hanggan ang paraan para mag-explore. 
Para tingnan ang My Places at makakita ng mga sikat na lokasyon malapit sa iyo, i-tap ang bagong button na Places sa ibaba ng Snap Map mo.
Bumalik sa Blog