Challenge Accepted: May bagong paraan para manalo ng pera sa Spotlight
Ginawa ng Team Snap
noong Wednesday, 06 October 2021 06:00
Nakatuon kami sa pagbibigay ng reward sa aming community para sa kanilang pagkamalikhain at sa higit pang pagbibigay ng demokrasya sa paggawa ng content, na nagtitiyak na ang Spotlight ay isang lugar kung saan maitatampok ang kahit na sino.
May bagong paraan para makatanggap ng reward ang mga creator: Spotlight Challenges!
Ang Spotlight Challenges ay nagbibigay sa mga Snapchatter ng pagkakataong manalo ng pera para sa paggawa ng mga top-performing na Spotlight Snap gamit ang partikular na Lenses, Sounds, o #Topics. Ito man ay ang iyong pinakamahusay na trick shot o pinakanakakatawang panggagaya, hinihikayat ng mga challenge na ito ang mga Snapchatter na gumawa ng mga Snap na nagtatampok sa kanilang natatanging boses, perspektiba, personalidad, at pagkamalikhain.
Ilulunsad ang Spotlight Challenges sa susunod na buwan sa mga Snapchatter na 16+ sa U.S., at paparating ang mas marami pang market sa mga susunod na buwan.
Ang mga Snapchatter ay puwedeng manalo ng porsyento ng kabuuang halaga ng premyo na mapapanalunan para sa bawat Spotlight Challenge, na karaniwang mula sa $1k hanggang $25k, pero paminsan-minsan, posible kaming magpapremyo ng mas malaking halaga para sa isang partikular na Challenge. Ang minimum na premyong puwedeng mapanalunan ng isang Snapchatter sa isang Spotlight Challenge ay $250 USD!
Para sumali, bisitahin ang Page na Trending, na maa-access sa pamamagitan ng simbolo ng trending sa kanang sulok sa itaas ng Spotlight sa Snapchat. Piliin ang Challenge na gusto mong salihan para makita ang page ng partikular na Challenge na iyon, kung saan itatampok ang paglalarawan ng Challenge at ang mga entry na isinumite ng community. I-tap ang “Mga Detalye ng Challenge” para sa mga karagdagang detalyeng partikular sa Challenge tulad ng mga mapapanalunang premyo at deadline ng pag-submit. I-tap ang icon na camera para buksan ang camera ng Snapchat. Gumawa at mag-submit!
Para sa bawat Challenge, ang nangungunang 50 submission na kwalipikado, nauugnay at may pinakamaraming bilang ng view ay huhusgahan batay sa mga sumusunod na pamantayan: Pagkamalikhain at Orihinalidad, Inobatibong Paggamit ng Creative Tools ng Snap, Natatanging POV, at Kakayahang Magbigay-aliw. Sa karaniwan, ang bawat Challenge ay magtatampok ng average na 3 hanggang 5 mananalo, pero paminsan-minsan, posible kaming pumili ng mas marami o mas kaunting bilang ng mga mananalo (dapat ay 16+ at residente ng 50 U.S./D.C., nalalapat ang Mga Opisyal na Tuntunin).
Gusto na naming makita kung ano'ng gagawin mo!