Pagkilala sa Pagiging Malikhain sa Spotlight: Pagbibigay Liwanag as Pinakamagagandang Snap
Ginawa ng Team Snap
noong Monday, 23 November 2020 13:59
Itinatampok ng Spotlight ang mga pinakanakakaaliw na Snap na ginawa ng Snapchat community, nang hindi isinasaalang-alang kung sinong gumawa ng mga ito. Ginawa namin ang Spotlight para maging lugar kung saan maitatampok ang content ng kahit na sino – nang hindi nangangailangan ng public account o na maging influencer. Isa itong patas at masayang lugar kung saan magagawa ng mga Snapchatter na i-share ang pinakamagaganda nilang Snap at makakita ng mga perspektiba mula sa buong Snapchat community.
Ang Aming Mga Rekomendasyon
Gumagana ang aming content algorithms para maipakita ang mga pinakanakakaengganyong Snap na kaiinteresan mo. Nakatuon tayo sa paghahatid ng mga naaangkop na Snap sa tamang tao, sa tamang oras. Ginagawa namin ito sa pamamagitan ng pagsisikap na maunawaan ang iyong mga personal na kagustuhan.
Tinitingnan ng aming ranking algorithm ang mga salik na nagpapakita na interesado ang mga tao sa isang partikular na Snap, tulad ng: dami ng oras na iginugugol ng mga tao sa panonood nito, kung ginawa ba itong paborito, at kung ibinabahagi ito sa friends. Isinasaalang-alang din nito ang mga negatibong salik, kabilang ang kung mabilis na ini-skip ng viewer ang panonood ng Snap. Ang mga Snap na lumalabas sa Spotlight ay puwedeng mula sa mga Snapchatter na may private at personal na account, o mula sa Snap Stars na may mga public profile at milyon-milyong subscriber.
Pagpapakita ng Mga Bagong Uri ng Libangan
Para makatulong sa pagpapakita ng mga bagong uri ng content na posibleng pagkainteresan ng mga Snapchatter, at mapigilan ang mga echo chamber, isinama namin mismo sa karanasan sa Snapchat ang pagkakaiba-iba. Nagsisikap kami para tiyakin na ang ating mga algorithm ay binubuo habang nasa isip ang iba't ibang resulta.
Ginagawa namin iyon sa ilang paraan, kabilang ang pagbubuo ng aming algorithmic models gamit ang iba't ibang training data set at pagsusuri ng aming models kung may pagkiling o diskriminasyon ba ito. Gumagamit din kami ng mga mekanismo ng "eksplorasyon" para matiyak na makakakita ka ng mga bago at iba't ibang libangan sa Spotlight. Mas patas na ikinakalat ng pamamaraang ito ang mga view sa malawak na grupo ng mga creator. At, tinuturuan nito ang aming mga algorithmic model na dapat ay maging bahagi ng kanilang likas na paggana ang pagkakaiba-iba at pagsasama sa lahat.
Halimbawa, kapag ipinakita mo sa amin sa Spotlight na gusto mo talaga sa mga aso, gusto ka naming bigyan ng mga nakakatuwang Snap ng mga tuta! Pero, gusto rin naming tiyakin na naipapakita namin ang iba pang uri ng content, iba pang creator, at iba pang katumbas na larangang pagkakainteresan mo, tulad ng mga creator na nakatutok sa kalikasan, mga video tungkol sa paglalakbay, o kahit iba pang hayop.
Pagbibigay ng Gantimpala sa Pagiging Malikhain
Idinisenyo ang Spotlight para mabigyan ng reward ang pagiging malikhain sa patas at masayang paraan, at nagpapamahagi kami ng milyon-milyon kada buwan sa mga Snapchatter. Dapat ay 16 na taong gulang pataas ang mga Snapchatter, at kung saan naaangkop, kailangan nilang humingi ng pahintulot ng magulang para kumita.
Ang mga kikitain ay tutukuyin ng pag-aaring formula na nagbibigay ng gantimpala sa mga Snapchatter na pangunahing nakabatay sa kabuuang bilang ng mga natatanging pag-view ng video na nakukuha ng isang Snap sa isang partikular na araw (kinakalkula gamit ang Pacific Time) kumpara sa performance ng iba pang Snap noong araw na iyon. Maraming Snapchatter ang kikita araw-araw, at ang mga gagawa ng mga mangungunang Snap sa grupong iyon ay ang kikita ng pinakamalaki para sa kanilang pagiging malikhain. Aktibo kaming nakasubaybay kung may mangyayaring panloloko, para matiyak na ang ibibilang lang namin ay ang tunay na engagement sa mga Snap. Posibleng baguhin ang aming formula paminsan-minsan.
Para lumabas sa Spotlight, ang lahat ng Snap ay sumusunod dapat sa aming Community Guidelines, na nagbabawal sa pagpapakalat ng maling impormasyon (kabilang ang mga conspiracy theory), mapanlinlang na content, mapoot na pananalita, content na malaswa o may pagmumura, bulling, pangha-harass, karahasan, at marami pang iba. At ang mga Snap na isinusumite sa Spotlight ay sumusunod din dapat sa aming Spotlight Guidelines, Terms of Service, at Spotlight Terms.