Pinakamahuhusay na Kagawian sa Content ng Spotlight

Narito ang ilang tip tungkol sa kung paano gumawa ng nakakaengganyong content para sa mga pinakasikat na kategorya ng Spotlight:

Mga Katatawanan, Prank, Fail, at Meme

  • Buuin kaagad ang premise

  • Gamitin ang text para magpakilala ng mga character at maitaguyod ang konteksto

  • Hinihikayat ang malilikhaing setting at orihinal na ideya 

  • Mag-capture ng mga interesanteng anggulo at location 

  • Magpamalas ng mga natatanging talento at kakayahan

Pagkain

  • Gawin itong nakakaagaw-pansin: magtampok ng matitingkad at masisiglang kulay at pumili ng background na nagbibigay-diin sa subject mo—isang contrasting na kulay, magandang pattern, o iba pang pagkain!

  • Magdagdag ng text na nagbibigay-paliwanag na naglalaman ng kapaki-pakinabang na impormasyon 

  • Magtungo sa main course (ang pagkain!) nang mabilis nang may kaunting build-up lang hangga't maaari

Mga Nakakasiyang Visual at ASMR

  • Magpakita ng mga nakakasiyang visual o ASMR sounds nang buo, mula sa simula hanggang sa katapusan, kahit na kailangan mong pabilisin o pabagalin ang footage

  • Ipakita ang subject ng video mo nang malinaw at full-frame nang kaunti lang ang distraction hangga't maaari

  • Ang pagiging orihinal ang mahalaga. Iwasang gumamit ng mga karaniwan, madaling ma-access, o nagagayang effect

  • Puwedeng makatulong ang musika para magkaroon ng magandang content, pero mahalagang huwag sapawan ng karagdagang audio ang ASMR

Mga Tutorial, DIY, at Arts and Crafts

  • Ipakilala kaagad ang konsepto sa pamamagitan ng pagsasabi sa mga viewer kung ano ang matututunan nila, nang pasalita o sa pamamagitan ng text

  • Huwag sabihin lahat! Ipakita ang final product o resulta sa nakakaantig na paraan sa dulo ng Snap mo (kapag ipinakita kaagad, puwedeng mawalan kaagad ng interes ang mga viewer)

  • Magtampok ng matitingkad at makukulay na subject at ng malilikhaing setting

  • Magtampok ng mga orihinal na ideya at inobatibong paraan. Magandang pagkakataon ito para maipamalas ang anumang natatanging skill o talento mo! 

  • Kung magdaragdag ka ng background music, i-sync ang mahahalagang sandali sa screen sa mga paglipat sa audio track

  • Ipakita ang buong proseso mula sa simula hanggang sa katapusan para matutunan ng viewer ang mga kinakailangang hakbang, at huwag kalimutang magdagdag ng mga instruction.

Cosmetics at Pagpapaganda

  • Ipakita ang buong mukha nang malinaw para makuha ng mga viewer mo ang buong effect

  • Itodo mo na! Mainam na gumamit ng mga dramatic na effect sa kategoryang ito, lalo na kapag mayroong matitingkad at maliliwanag na kulay ang mga ito

  • Talagang napapaganda ng background music ang ganitong uri ng content

Sayaw at Mga Challenge

  • Ang mga video ng sayaw at challenge ay mga karanasang nangangailangan ng pakikilahok: bagama't hindi mo gustong maging boring o killjoy, ang mga Snap na madaling gayahin ay nagbibigay-daan sa mga viewer na makisaya

  • Mabilis na i-set up ang challenge mo sa pamamagitan ng pagbibigay rito ng pangalan o pagpapaalam ng mga tuntunin

  • Gamitin ang mga orihinal mong dance routine o hamon para makapagsimula ng bagong trend sa Spotlight